BSKE

Pinag-aagawang barangay sa Taguig boboto—Comelec

268 Views

NAGDESISYON ang Commission on Elections (Comelec) na isama ang 10 barangay na pinag-aagawan ng Makati City at Taguig City sa huli para sa gaganaping Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktobre.

“The barangays situated in Parcel 3 and 4, PSU-2031, can now be considered part of Taguig City for purposes of the 2023 BSKE,” sabi ng memorandum na inilabas ng Comelec.

Ang memorandum ay batay sa rekomendasyon at opinyon ng Comelec Law Department.

Inaprubahan din ng Comelec ang pag-update sa coding system para sa mga apektadong barangay.

Inatasan din ng Comelec ang Office of the Election Officer (OEO) ng Makati Second District at Taguig na maghanda ng bagong Project of Precinct at mag-imprenta ng bagong computerized voters list.

Ang hakbang ng Comelec ay batay sa desisyon ng Korte Suprema noong 2021 na nagsasabi na ang Fort Bonifacio Military Reservation, na binubuo ng Parcels 3 at 4, psu-2031, ay bahagi ng teritoryo ng Taguig City.

Ibinasura na ng Korte Suprema ang mosyon na inihain ng Makati City.