Calendar
Pinaghahanap na suspek sa Zambales natunton sa Bulacan
CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga–Naaresto ng mga otoridad sa Police Regional Office 3 (PRO-3) ang isa sa mga pinaghahanap na kriminal sa Zambales noong Sabado.
Inaresto ang suspek na si alyas Lomo sa Brgy. Calantipay, Baliuag City, Bulacan base sa arrest warrant na inilabas ng Regional Trial Court Branch 73 ng Olongapo City dahil sa rape.
Ang operasyon ay isinagawa sa pangunguna ni Lt. Col. Leonardo Madrid ng RID3-IOS kasama ang iba pang unit ng pulisya at Castillejos, Zambales police.
Pinuri ni PRO-3 director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr. ang mga operating team sa pag-aresto sa suspek.
“Ang matagumpay na pag-aresto na ito ay nagpapakita na kahit saan magtago ang mga pugante, hahabulin sila ng mahabang braso ng batas.
Ang PRO-3 ay nananatiling matatag sa misyon nito na tiyaking maibibigay ang hustisya at ang ating mga komunidad ay protektado,” ani Penones.

