Lunod

2 bata lumangoy sa ilog, nalunod

Bernard Galang Aug 3, 2025
220 Views

DALAWANG bata noong Sabado ang nalunod habang naliligo sa ilog sa Brgy. Sindol, San Felipe, Zambales.

Edad 7 at 9-anyos ang mga biktima, ayon kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr.

Humingi umano ng permiso sa kanilang lola ang dalawang biktima na maliligo sa ilog malapit sa kanilang bahay pero hapon na hindi pa rin umuuwi ang dalawang biktima kaya hinanap na ng kanilang mga magulang ngunit nabigong makita ang mga bata.

Isang kapitbahay ng mga biktima ang humingi ng tulong kay Raymond de Jesus, pinuno ng MDRRMO sa San Felipe, kaya naglunsad ng search and rescue operation sa lugar.

Bandang alas-8:00 ng gabi natagpuan ng mga tauhan ng MDRRMO ang dalawang biktima sa ilalim ng ilog.

Isinugod sila sa San Felipe Health Unit kung saan idineklara silang dead-on-arrival.