Calendar
Pinaka apektadong sektor matutulungan ng KALINGA Act–Speaker Dy
IPINAHAYAG ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na ang panukalang KALINGA Act ay magbibigay ng tulong para sa mga sektor na pinaka apektado ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Tiniyak ng House Speaker na kumikilos ang liderato ng Kamara de Representantes para maibsan ang matinding epekto ng inflation sa mga vulnerable na grupo.
Sinabi ni Speaker Dy na sa ilalim ng Section 7 ng KALINGA Act, layunin nito ang Targeted Assistance Component para maglaan ng direktang cash assistance para sa mga low-income households at minimum wage owners.
Layunin din ng panukala na magkaroon ng subsidy sa krudo para sa mga driver, magsasaka, mangingisda at logistic providers para sa sektor ng transportasyon at iba pang tulong para sa mga manggagawa.
Paglilinaw ng mambabatas na layunin nitong maiwasan ang “blanket subsidies at ituon ang mga pondo kung saan ito higit na kinakailangan partikular na para sa mga vulnerable sektor.
“Hindi pare-pareho ang tama ng fuel crisis. Mas mabigat ang epekto nito sa mga low-income families, drivers farmers at workers kaya kailangan targeted ang tulong. Dapat mapunta ang financial assistance kung saan ito pinaka-kailangan,” wika ni Dy.
Ayon sa House Speaker, ang targeted na intervention ay nagbibigay daan sa pamahalaan upang maprotektahan ang purchasing power habang pinapanatili ang fiscal responsibility.
Isa rin sa layunin ng pagdinig ng Joint Committee ay upang masiguro na makakarating ang tulong sa mga tunay na benepisyaryo.

