QCPD umaksyon: 18 huli sa 1-day warrant ops
Oct 11, 2026
FEEDING PROGRAM
Oct 11, 2026
Nangholdap naaresto sa Pampanga
Oct 11, 2026
Property developers may tie-up sa 4PH program
Oct 11, 2026
Calendar
Nation
Pinakamalaking koleksyon naitala ng BOC noong 2022
Peoples Taliba Editor
Jan 14, 2023
424
Views
NAITALA ng Bureau of Customs (BOC) noong 2022 ang pinakamataas na koleksyon nito sa kasaysayan.
Ayon sa BOC, nakakolekta ito ng P862.929 bilyon noong nakaraang taon lagpas ng 19.6% o P141,409 bilyon sa target nitong makolekta na P721.52 bilyon.
Ang nakolekta noong 2022 ay mas mataas ng 34.1% sa P643.562 bilyon na nakolekta ng ahensya noong 2021.
Ayon sa BOC Financial Service noong 2022 ang kauna-unahang pagkakataon na lumagpas ang nakolekta ng lahat ng pantalan sa kanilang taunang target.
Ang Post-Clearance Audit Group (PCAG) ay nakakolekta ng P1.840 bilyon mas malaki sa P1.522 bilyon na nakolekta nito noong 2021.
Kumita rin ang BOC ng P292 milyon sa public auction ng mga overstaying na kargamento.
Property developers may tie-up sa 4PH program
Oct 11, 2026
GENCORP NABIGONG IDEKLARA P1.049 KITA
Oct 11, 2026
‘Abba Father’ tema na 48th anibersaryo ng JIL
Oct 11, 2026

