Meggie

Pinay Jiu-Jitsu gold champ pinuri ng Kamara

177 Views

Custodio

PINURI ng Kamara de Representantes ang dalawang Pinay Jiu-Jitsu gold medalists sa 2022 Jiu-Jitsu World Championship na ginanap sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE) mula Oktobre 29 hanggang Nobyembre 8, 2022.

Pinagtibay ng Kamara ang House Resolution 575 upang kilalanin ang tagumpay nina Kimberly Anne Custodio at Margarita “Meggie” Ochoa.

“Through sheer determination, hard work and perseverance, Filipino Jiu-Jitsu athletes, Kimberly Anne Custodio and Margarita ‘Meggie’ Ochoa successfully emerged as the champions in their respective weight divisions,” sabi sa House Resolution (HR) No. 575 kung saan isinama ang HR Nos. 528, 529, 533, 535, 538, 539, 551, 558, at 549.

Ayon sa resolusyon ang panalo ng dalawa ay nagsisilbing inspirasyon sa maraming batang atletang Pilipino.

“Their success puts the Philippines at the forefront of the fastest-growing martial arts sport, jiu-jitsu competitions,” ayon pa sa resolusyon.

Ang HR 575 ay inihain nina Speaker Martin G. Romualdez, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Minority Leader Marcelino C. Libanan, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander A. Marcos, at Tingog Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre.

Nanalo si Custodio women’s -45 kg division sa iskor na 6-4 laban kay Kacie Pechrada Tan ng Thailand sa final match. Si Custodio ay tagaCarpe Diem Brazilian Jiu-Jitsu Philippines and Modern Day Samurai Jiu-Jitsu Iloilo.

Si Custodio ay naging Miss Iloilo Dinagyang beauty queen noong 2004 bago naging ‘armbar queen.’ Noong 2016 siya ay nanalo ng silver medal sa 2016 Jiu-Jitsu Federation World Championship na ginanap sa Long Beach, California; gold at bronze medals sa 2017 at 2018 San Diego Spring International Open Jiu-Jitsu Championship. Nanalo din ito ng bronze medal sa 2019 Jiu-Jitsu Asian Championship at ginto sa Jiu-Jitsu Grand Prix sa Thailand sa kaparehong taon.

Si Ochoa naman dati ng nagkampeon sa women’s -48 kg division. Nabawi nito ang korona matapos na talunin si Ni Ni Vicky Hoang ng Canada sa iskor na 2-0 sa final match.