Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Cayetano

Pinoy pinangakuan ng mas mura, de kalidad na NSB

55 Views

TINIYAK ni Senator Alan Peter Cayetano na tutuparin niya ang kanyang layunin na maihatid ang isang de-kalidad na New Senate Building (NSB) sa pinakamababang posibleng halaga.

Sa kanyang pagdalo kamakailan sa isang meet-and-greet event sa Golden Phoenix Hotel, Pasay City, sinagot ni Cayetano ang mga tanong ng media tungkol sa proyekto.

“It’s going to be a beautiful building, maganda ang concept. Kaya lang realistically nagkaproblema, kasi nga from as low as P8 billion, lumalampas na [ngayon] ng P30 billion,” sabi ni Cayetano.

Bilang chair ng Senate Committee on Accounts na nangangasiwa sa proyekto, binigyang diin ni Cayetano ang kahalagahan ng transparency at nangakong maghahain ng isang komprehensibong ulat sa Senado na naglalaman ng factual reviews at konsultasyon.

“I will submit a comprehensive report kasi sadly it’s coming out the most expensive building in the Philippines, even more expensive than a five-star hotel,” wika niya.

Ayon kay Cayetano, inaasahang matatapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga plano sa January 2025. Muli niyang tiniyak ang transparency at accountability sa buong proseso.

“We expect the DPWH to finalize by latest January. I promised to be transparent sa Senate so I will not hide anything. My role is to fix the plan. Fix it, get the senators to approve, then finish and put it up,” wika niya.

Sa katatapos lang na Senate plenary deliberations sa proposed 2025 budget ng DPWH noong November 20, 2024, ibinahagi ni Cayetano na nakatanggap ang kanyang tanggapan ng sulat mula kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan na nagsasabing ang Phase 3 ng proyekto ay posibleng matapos sa dalawa o tatlong taon, depende sa bilis ng proseso ng bidding.

“The DPWH Secretary just wrote us na if maayos lahat yung bidding procurement, baka kayanin ng two years instead of four years… I think two to three years, it’s more than enough,” wika niya.

Upang mapababa ang halaga ng proyekto, ibinahagi rin ng senador na kamakailan ay nagkaroon ng intensive meeting upang suriin ang mga plano sa disenyo, makakuha ng mga opinyon, magtatag ng realistic budget, at maiwasan ang pagtaas ng halaga ng proyekto.

“Why do I want it finished? Because I don’t want to pass the accountability. I will not be held responsible for what happened before me, but hold me responsible for anything that happens when we took over hanggang matapos,” wika niya.

Sa pag-usad ng NSB project, inaasahan ni Cayetano na makatutulong ang pagiging transparent sa publiko upang muling maibalik ang tiwala sa proyekto.

“I was assigned to look into it and fix it. Ang role ko rito is to find out where we are, what happened, what’s wrong and what’s correct, and finish the building at the best quality at the minimum price,” wika niya.