Calendar

Pinoys kumpiyansa sa Asian Lawn Bowls Championships
KUMPIYANSA ang Philippine lawn bowls team, sa pangunguna ni head coach at tournament director Ronalyn Redima Greenlees, na maidedepensa ang kanilang korona sa 16th Asian Lawn Bowls Championships sa susunod na buwan.
Nakatakdang idepensa ng mga Pilipino ang titulo sa men’s pair and women’s singles events, at naniniwala si Greenlees na magagawa nila ito sa kumpetisyon na nakatakda sa April 27-May 4 sa Clark Bowling Greens sa Clark, Pampanga.
Labing-dalawang bansa — Malaysia, Iran, Brunei, Japan, Hong Kong, Singapore, Thailand, Malaysia, Macau, South Korea, China at host Philippines — ang sasabak sa aksyon at mag-aagawan sa walong golds sa singles, pairs, triples and fours (men and women)
Sinabi ni Rodel Labayo, back-to-back gold medalist sa pairs event kasama ni Elmer Abatayo, na ang masungkit ang ikatlong sunod na gold medal ang pangunahing hangarin ng team.
“Gusto namin dito sa Pilipinas mag three-peat,” pahayag ni Labayo sa Philippine Sportswriters Association Forum sa Rizal Memorial Sports Complex Conference Hall kamakailan.
Samantala, tatangkain ni Rosita Bradborn na maidepensa ang titulo sa women’s singles.
Nakuha niya ang gold medal sa Thailand.last year matapis ang dalawang silver-medal finishes.
“Nag-tiyaga kami ng husto sa training para manalo ulit,” paliwanag ni Bradborn sa forum na itinataguyod ng San Miguel Corporation, PSC, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, MILO, at ArenaPlus.