Pintor nakorner sa Caloocan drug bust; P1.3M shabu nakuha

Edd Reyes Oct 22, 2024
116 Views

AABOT sa mahigit P1.3 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya sa 31-anyos na pintor sa ikinasang buy-bust operation Lunes ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan City Police Chief P/Col. Paul Jady Doles ang suspek na si alyas “Jerome”. pintor, at residente ng Libis Nadurata, Brgy. 18, na kabilang umano sa high value individual (HVI) na may m

Ayon sa pulisya, dakong alas-7:22 ng gabi nang ikasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ang pagbili ng P6,500 na halaga ng shabu sa suspek sa Kawal St., Raffle 2, Brgy. 28 na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

May kabuuang 201 gramo ng shabu ang nakumpiska ng pulisya kay Jerome na nagkakahalaga ng P1, 366,800.00, pati na ang markadong salapi na kinabibilangan ng tunay na P500 at anim na pirasong P1,000 boodle money.

Ayon kay P/SSg Manuel Enmil III, may hawak ng kaso, ipiprisinta nila sa Caloocan City Prosecutor’s Office ang suspek para sa inquest proceedings kaugnay sa kakaharapin niyang kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng R. A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.