Piolo Pascual

Piolo mas gustong kumita ang pelikula kaysa magka-award

Eugene Asis Dec 23, 2023
283 Views

Piolo

TATLONG karakter ang ginagampanan ni Piolo Pascual sa pelikulang ‘Mallari’ ng Mentorque Productions sa pakikipagtulungan ng Warner Brothers Philippines.

Biro nga ni Alessandra de Rossi nang magkasama sila sa opening ng bagong MMDA building sa Pasig, pwedeng manalo si Piolo ng tatlong best actor awards sa darating na awards night ng Metro Manila Manila Film Festival 2023 na gaganapin sa New Frontier Theater sa December 27, dalawang araw matapos ang pagbubukas ng naturang filmfest sa mga sinehan.

Ganito rin ang opinyon ng marami na nakapanood ng naturang pelikula sa premiere night nito. Totoong napakahusay ni Piolo dito. Pero nang tanungin si Piolo kung ano ang pipiliin niya sa award o kita sa takilya, kaagad niyang sinabi na malaking karangalan ang award pero mas importante sa panahong ito na kumita ang pelikula.

Aniya: “Sana mag-transcend sa boxoffice ang dami ng papuri sa pelikula namin. You have to think business. Lalo na with the backing of Warner Brothers, alam nilang malakas ang horror dito sa Philippines.”

Sobra umano siyang nahirapan sa paggawa ng naturang pelikula: “Tatlong karakter, it was very hard but what made it easy was the vision of my director (Derick Cabrido) pati ang pagkakasulat ni sir Enrico Santos, na dumaan ng maraming drafts. You have to know the journey of the three characters and each time I read the script, lalong lumilinaw ang tatlong caharacters. Kaya lang it’s too magastos kaya kailangan talagang kumita.”

Ayon sa direktor, “Yung totoong kuwento ng Mallari na nasa Google nangyari sa Pampanga pero yung na-reasearch namin doon, sobrang konti kaya naman nakarating pa kami sa Madrid. Tapos, nilagyan namin ng konting supernatural kaya the product is really something we’re proud of.”

Kasama rin sa “Mallari’ sina Gloria Diaz, Janella Salvador, JC Santos, Elisse Joson at iba pa sa ilalim ng Mentorque Productions na pinamumunuan ni John Bryan Diamante.