PCO Tinanggap ni Presidential Communications Office (PCO) Assec. for Communications Mario Fetalino Jr. ang mga plaque of appreciation para sa kanya at kay PCO Sec. Cesar Chavez na iniabot ni People’s Journal Editor-in-Chief Manny Ces sa ginanap na fellowship ng People’s Journal, People’s Tonight, journalnews at peoplestaliba noong Disyembre 20 sa editorial office ng Philippine Journalists, Inc. sa Port Area, Manila. Kuha ni JON-JON C. REYES

PJ, PT, journalnews, peoplestaliba nagpasalamat sa PCO, tapat na advertisers at mambabasa

67 Views
PCO1
Nag-uusap sina People’s Journal Editor-in-Chief Manny Ces at Presidential Communications Office (PCO) Assec. for Communications Mario Fetalino Jr. tungkol sa mahalagang papel ng PCO at Philippine media upang malabanan ang pekeng balita at maisulong ang adhikain ng PBBM administration na umunlad ang buhay ng bawat Pilipino tungo sa Bagong Pilipinas.

PCO2PCO3

PCO4
Ang simple ngunit makabuluhang fellowship ng PJ, PT, journalnews at peoplestaliba.

Sa simpleng pasasalamat fellowship

DAHIL sa suporta ng People’s Journal, People’s Tonight, journalnews at peoplestaliba ay patuloy na nalalabanan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., Kamara de Representantes na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Senado sa pamumuno ni Sen. Chiz Escudero ang mga pekeng balita at naisusulong ang layunin ng gobyerno na mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino tungo sa Bagong Pilipinas.”

Ito ang maigsi ngunit makabuluhang mensahe ni Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary for Communications Mario Fetalino Jr., na kumatawan sa PCO na pinamumunuan ni Sec. Cesar Chavez, sa simpleng fellowship ng People’s Journal (PJ), People’s Tonight (PT), journalnews at peoplestaliba na ginanap nitong Disyembre 20, 2024, sa editorial department ng Philippine Journalists, Inc. (PJI) sa Port Area, Manila.

Bilang tugon, si PJ Editor-in-Chief Manuel H. Ces ay nagpasalamat sa tiwala at nangako kay Fetalino ng patuloy na suporta ng mga nasabing PJI news portals sa mga adhikain at programa ng Marcos administration sa pamamagitan ng PCO.

Binigyang-diin ni Ces na walang patid na magiging kaagapay ng PCO ang PJ, PT, journalnews at peoplestaliba sa paglaban sa mga pekeng balita o fake news.

Ayon kay Ces, ang fellowship ay ginanap bilang pasasalamat na rin sa patuloy na tagumpay ng PJ, PT, journalnews at peoplestaliba sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na advertisements, subscription at walang sawang suporta ng tapat na stakeholders at mga mambabasa na sumasaklaw sa lahat ng edad at sektor.

Kasama nito ay nagkaroon ng taimtim na dasal ang mga nagsipagdalo sa fellowship bilang pasasalamat na rin sa inaasahang mas magandang hinaharap ng mga nasabing publikasyon sa 2025.

Bilang bahagi ng pagsaludo sa mga accomplishments ng PCO para sa Philippine media at buong bansa, binigyan ng PJ, PT, journalnews at peoplestaliba, sa pamamagitan ni Ces, ng plaques of appreciation ang PCO.

Ang plaques of appreciation ay inihandog ng PJ, PT, journalnews at peoplestaliba kina Sec. Chavez at Assec. Fetalino para sa kanilang “tireless efforts in upholding the truth in Philippine journalism and for being a staunch ally of media in the fight against false information and the quest for a better society.”

Ang fellowship ay ginanap alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos na salubungin ang Pasko sa simpleng paraan bilang pakikiisa at pagsaalang-alang sa mga biktimang nasalanta ng mga bagyo nitong taon.