Kuwento ng mga kabit, babaeng bayaran
Nov 23, 2024
Kathryn tumanggag ng award sa LA
Nov 23, 2024
Calendar
Nation
Planong pag-alis kay Finance Sec Diokno itinanggi
Peoples Taliba Editor
Nov 22, 2022
156
Views
ITINANGGI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga balita na papalitan ito si Finance Secretary Benjamin Diokno.
“Fake news. I don’t know where it comes from. Why would I do that? We’ve assembled a great team,” sabi ni Marcos sa sideline ng 49th Founding Anniversary of the Career Executive Service Board (CESB) sa Pasay City.
Sinabi ni Marcos na hindi makabubuti na magkaroon ng palitan sa gitna ng isinusulong na direksyon ng administrasyon.
“At saka, we’re trying to go down a certain direction. It’s a very, very poor time to change horses in midstream,” dagdag pa ng Pangulo.
Itinanggi rin ni Diokno na iiwanan nito si Pangulong Marcos.
Paglipat sa kulungan ni Lopez kagagawan ni VP Sara
Nov 23, 2024