Calendar

PNP chief pinuri pulis-Manila
PINURI ni Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Francisco D. Marbil ang pulis-Maynila na malubhang nasugatan habang hinuhili ang mga lalaking sangkot sa drag racing sa siyudad.
Pinasalamatan din ng PNP chief ang Chinese General Hospital na umako sa lahat ng gastos sa pagpapagamot ni Patrolman Ruel Christian J. Manansala ng MPD District Station 5.
Nagtamo si Pat. Hernandez ng bali sa binti at sugat sa mukha matapos salpukin ng isang tumatakas na suspek na sangkot sa drag racing.
Sa kabila ng panganib, nanindigan ang pulis para sa kapayapaan.
Naka-iskedyul na ang operasyon ng pulis sa sandaling dumating ang kinakailangang medikal na kagamitan.
Dahil sa umiiral na Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng MPD at Phil-Chinese Charitable Organization Inc., sasagutin ng ospital ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot.
Nagpasalamat si Gen. Marbil sa ipinakitang malasakit ng ospital.
“Ito ang tunay na diwa ng Bayanihan. Araw-araw, iniaalay ng ating kapulisan ang kanilang buhay para protektahan ang mamamayan,” sabi ng pulis.