SUV

PNP-HPG nabawi 34 nenok na tsekot, SUV, motor

Alfred Dalizon Dec 15, 2025
215 Views

AABOT sa 34 na ninakaw na mga sasakyan at motor ang nabawi ng mga agents ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG), ayon sa hepe ng grupo na si Brigadier General Hansel Marantan.

“This is part of our intensified effort against vehicle-related crimes, fraudulent transactions and failed-to-return schemes as ordered by our acting chief Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr.,” sabi ng PNP-HPG director.

Isa sa mga narekover ang Toyota Veloz at Suzuki Dzire na nabawi sa anti-carnapping operation sa Brgy. San Miguel, Tarlac City.

Nabawi rin ang isang Toyota Fortuner sa Plaridel Bypass Road sa Bustos, Bulacan na pinaniniwalaang sangkot sa ‘Talon-Casa’ scheme.

Sa Brgy. Sabang, Baliuag City in Bulacan, nabawi ang isang Mitsubishi Xpander at naaresto ang dalawang lalaki na nagtangkang isanla ang sasakyan sa halagang P100,000.

Sa Brgy. Sangitan West, Cabanatuan City, nabawi ng mga miyembro ng PNP-HPG ang Toyota Innova na sapilitang kinuha sa driver nito noong 2007.

Sa Olongapo City, na-impounded ng mga pulis ang Nissan Navara at motorsiklong Yamaha NMax.

May na-impound din na Mitsubishi Adventure na sangkot sa ‘Talon-Casa’ scheme sa Mariveles, Bataan.

Impounded din ang Ford Ranger sa Brgy. Luna, Santa Rosa, Nueva Ecija; Toyota Vios sa Brgy. Sampaloc, San Rafael, Bulacan; at Ford Raptor na isinangla ng P150,000.

Nabawi naman ang Mitsubishi Mirage sa Bacoor City, Cavite, Honda City 125cc motorcycle, Honda Beat motorcycle, Toyota Vios at Hyundai Accent, ayon sa PNP-HPG.

Nanawagan si Brig. Gen. Marantan na i-check mabuti ang mga papeles ng sasakyan bago bilhin.