PNP-HPG nabawi 8 nakaw na sasakyan

Alfred Dalizon Oct 19, 2025
334 Views

SINABI ni Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) director Brigadier General Hansel Marantan na walong nakaw na sasakyan ang nabawi nila kasabay ng pagkakaaresto sa 8 ding kriminal.

Sa report kay PNP acting ahief, Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., isa sa mga nabawi ang ninakaw na Toyota Fortuner na sangkot sa ‘Talon Case Benta’ scheme.

Nabawi sa Angeles City, Pampanga noong Biyernes ang Fortuner nang walang maipakitang dokumento ang driver na si alyas Jonathan.

Nabawi naman ang Toyota Vios sa Brgy. Gabon sa Abucay, Bataan noong Huwebes at iniimbestigahan na ang driver nito na si Schuselle.

Sa Pilar, Bataan, nabawi ang motorcycle na may fake Land Transportation Office registration papers sa parehong araw na kumukuha ang driver nito ng papeles.

Nabawi naman ang Ford Everest sa Brgy. Anonas, Angeles City na dina-drive ng foreign national na iniembestigahan na ngayon.

Nabawi rin ang Honda Click motorcycle, Toyota Hilux, Toyota Innova at Isuzu truck, ayon kay BGen. Marantan.

“Suspicious vehicle transactions must be reported immediately through official PNP-HPG communication channels,” sabi ng official.

Idinagdag ni Brig. Gen. Marantan na may dalawang suspek na minamanmanan ang mga tauhan niya.