Pokwang

Pokwang sumali sa EXpecially For You kasi walang upuan sa bahay

Aster A Amoyo Aug 18, 2024
37 Views

PASABOG ang naging searcher ng EXpecially For You sa It’s Showtime noong nakaraang Sabado dahil ito ay walang iba kundi ang multi-awarded Sparkle comedienne na si Pokwang.

Nakasama ni Mamang Pokwang ang panganay na si Mae sa sikat na segment.

Tanong ni Meme Vice Ganda kay Mae, “Okay naman sa ‘yo ang pagsalang dito ng nanay mo?”

Sagot niya, “Of course! Actually dati, nung bago pa lang ‘tong segment. Sabi ko, “Ma! Bakit hindi mo i-try mag-EXpecially For You.

“Wala biruan lang namin. Tapos sabi niya, ‘Hmm tsaka na ‘… Gumanun na lang siya siyempre, kasi work, bahay, work, bahay.”

Ayon sa anak ni Pokwang, wish niya para sa nanay niya na makahanap ito ng isang partner na makakasama sa buhay.

Paliwanag niya, “Wala pong problema. Para sa akin, kasi talaga mas gusto ko na tumanda siya na may makakasama.”

“Yun nga po gusto ko talaga may makasama siya na as in partner talaga niya. Bukod sa amin na family niya siyempre, give naman na ‘yun di ba na support kami sa kaniya.

“Kasi siyempre iba ‘yung support na maibibigay ng partner mo, e. Iba rin ‘yun maibibigay ng support ng family mo.”

Magtatatlong taon nang single si Pokwang matapos sila maghiwalay ng estranged partner niya na si Lee O’Brian.

Ano naman ang dahilan ng comedienne sa pagsali sa EXpecially For You?

“Nire-renovate kasi ‘yung bahay, wala kaming upuan,” biro ni Pokwang.

Paliwanag niya ulit sa It’s Showtime, “Siyempre naman I’m a fan of this segment. And of course, gusto ko rin naman maiba naman ‘yung ikot ng buhay.”

May anak sina Pokwang at Lee na ang pangalan ay si Malia.

Jeric at Allen magsasama sa isang pelikula

BIBIDA sina Allen Dizon at Jeric Gonzales sa pelikulang “Fatherland,” na gagawin ng premyadong direktor na si Joel Lamangan.

Makakasama ng dalawa sa pelikula sina Richard Yap, Yasser Marta, Kazel Kinouchi, at Abed Green.

Kasama rin sa cast sina Cherry Pie Picache, Iñigo Pascual, Max Eigenmann, Ara Mina, Angel Aquino, Mercedes Cabral, Jim Pebanco, at Bo Bautista.

“Excited ako kasi gusto ko ulit ma-challenge, matuto, and ‘yung role ko dito sabi ni Direk Joel is very challenging,” masayang sabi ni Jeric.

Kasalukuyang napapanood si Jeric sa Kapuso primetime murder-mystery “Widows’ War na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Carla Abellana.

Masaya si Jeric sa magagandang komento na nakukuha ng kanilang serye na puno ng misteryo.

Samantala, bahagi naman ng top top-rating GMA Afternoon Prime series na “Abot-Kamay Na Pangarap” si Allen, na pinagbibidahan ni Jillian Ward at Carmina Villaroel, kasama rin sina Richard at Kazel

Maxine may heartwarming message para sa anak

NAKATATABA ng puso ang mensahe na ibinahagi ng First Lady actress na si Maxine Medina para sa kanyang anak na si Baby Zeke o Timothy Mateus Ezekiel.

Isinilang ni Maxine ang anak niya sa kaniyang non-showbiz husband na si Timmy Llana noong August 14.

Sabi ng first-time mom sa kanyang Instagram post, “After carrying you for 9 months and 3 days of labor, everything is more beautiful with you by my side. Mama loves you so much, my #Zeke!”

Matatandaan na na-engage sina Maxine at Timmy sa Palawan noong April 2022. Ang second wedding nila noong October 2023 ay idinaos din sa parehong probinsya sa lugar ng Coron.

Bago ang star-studded wedding nila sa Palawan ay ginanap ang kanilang church wedding sa Immaculate Heart of Mary Church on Daang Bakal Road, Antipolo City noong October 3, 2023.