PISCC

Polls’ preparation pinag-usapan sa 4th PJSCC meet

15 Views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Isinagawa noong Huwebes bilang paghahanda sa 2025 midterm elections sa Mayo 12 ang ika-4 na pulong ng Provincial Joint Security Control Center (PJSCC).

Pinangunahan ni Atty. Jonalyn S. Sabellano, Provincial Election Supervisor ng COMELEC-Batangas, dumalo ang mga opisyal ng Batangas police sa event kasama si Police Colonel Jacinto Malinao Jr., acting provincial director ng Batangas.

Nakatuon sa iba’t-ibang aspeto ng paghahanda para sa halalan ang pulong.

Si Nonato Mabutas ang nanguna sa demonstrasyon ng Automated Counting Machines (ACM) upang maging pamilyar ang mga dumalo sa teknolohiya at mapabuti ang kumpiyansa ng mga botante.

Tinalakay din ang mga estratehiya para sa kaligtasan ng halalan at mga hakbang upang tugunan ang mga insidente na may kaugnayan sa halalan.

“Ang halalan ilang buwan pa ang layo ngunit hindi kami mag-aaksaya ng oras sa pagtiyak ng isang ligtas at patas na halalan sa darating na Mayo 12.

Inaanyayahan ko ang publiko na makipagtulungan sa mga plano ng gobyerno, lalo na ang sa PNP, upang makamit ang isang maayos na eleksyon,” sabi ni Malinao.