Martin1

Pondo para sa regional specialty medical centers siniguro ni Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Aug 31, 2023
174 Views

SINIGURO ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na mapopondohan ang mga specialty center na ilalagay sa mga regional hospitals upang mailapit sa mga Pilipino, lalo na sa mga mahihirap, ang maayos na serbisyong pangkalusugan.

Ginawa ni Speaker Romualdez ang pagtitiyak matapos na lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act (RA) No. 11959, o Regional Specialty Centers Act.

Sinabi ni Speaker Romualdez na sisilipin ang panukalang P5.768 trilyong budget para sa 2024 upang malaman kung may nakalaang pondo para sa pagpapatupad ng RA 11959.

“In any case, we in the House will ensure that the necessary initial appropriations are allocated for the implementation of the law and the setting up, equipping and staffing of the special medical care units in regional hospitals,” sabi ni Speaker Romualdez, lider ng 311 mambabatas ng Kamara.

Aatasan umano ni Speaker Romualdez ang Committee on Appropriations upang tiyakin na mapopondohan ang bagong batas sa 2024. Kasalukuyang tinatalaya ng komite ang panukalang budget.

Pinuri naman ni Speaker Romualdez si Pangulong Marcos sa kanyang paglagda sa bagong batas.

“Once these special care facilities are established, people in the provinces, in rural areas, no longer need to travel to Metro Manila to receive specialized treatment and care. They will be spending less for transportation and other related costs. We are bringing the centers closer to our people,” dagdag pa ni Speaker Romualdez

Sa kasalukuyan, ang specialty hospitals na Heart Center, Kidney Center, Lung Center, Children’s Medical Center, at Orthopedic Hospital – ay matatagpuan lahat sa Metro Manila.

Ang panukalang specialized regional centers ay lalagyan umano ng mga angkop na kagamitan at tauhan.

“We will also allocate medical assistance funds for them,” dagdag ni Romualdez. (END)