Pondo sa school, mental safety suportado ni Gatchalian

33 Views

NANGAKO si Senate President Sherwin Gatchalian na susuportahan niya ang pondo para sa kaligtasan at mental health sa mga paaralan matapos umanong saksakin ng isang mag-aaral ang kapwa niya mag-aaral sa Macabalan Elementary School sa Cagayan de Oro.

Nanawaganang senador sa Department of Education (DepEd) at sa lokal na pamahalaan na tulungan ang biktima.

“I am deeply alarmed and concerned that the specter of school violence has once again reared its ugly head—this time in a stabbing incident in Macabalan Elementary School in Cagayan de Oro,” ani Gatchalian.

Nangyari ang pananaksak noong Biyernes sa ikatlong palapag ng paaralan, ayon sa report. Isinugod umano ang biktima sa Northern Mindanao Medical Center. Dinala naman umano sa himpilan ng pulisya ang menor-de-edad na suspek.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na nagsumbong ang suspek sa kanyang ama na binu-bully siya ng biktima.

Tiniyak ni Gatchalian na susuportahan niya ang sapat na pondo para sa School Safety, sa School-Based Mental Health Program at sa pagkuha ng mga school counselor associate.

Nasa P2 bilyon ang nakalaan ngayong 2026 para sa 10,000 school counselor associate. Nilikha umano ang mga posisyong ito upang punan ang kakulangan ng guidance counselor sa mga pampublikong paaralan.

Ayon naman kay Education Secretary Sonny Angara, 48,000 counselor associate ang kailangan ng DepEd para magkaroon ng isa ang bawat paaralan.