PPA

PPA: 83% ng BUR nagastos  sa mga proyekto noong 2022

161 Views

INIHAYAG ng Philippine Ports Authority (PPA) na umaabot sa 83% ang budget utilization rate (BUR) ang kanilang nagamit noong 2022, na pinakamataas sa mga nakaraang taon sa kabila ng mga hamon na dala ng pandemyang COVID-19.

Ang 83% rate ay nagpapakita na ang PPA ay nagawang i-maximize at ipatupad ang responsableng paggamit ng corporate budget nito na may malaking pagtaas ng paggamit ng badyet kung ikukumpara ito mula sa 71% noong 2021 at 62% noong 2020.

“I congratulate everyone for continuously working hard and for staying true to our vision of providing quality projects over the years. For 2023, we are aiming to surpass our 83% to 90%. We want to show the public that we are serious in getting the job done at wala pong budget na nasasayang sa PPA, lahat po ay ibinabalik natin sa taumbayan in forms of services and infrastructure projects,” ayon kay PPA General Manager Jay Santiago sa isang pahayag.

Noong nakaraang taon 2022, ang PPA ay nagtala ng kabuuang 97% utilization rate na inilaan sa 62 na proyekto kabilang ang pagtatayo ng port operational area, pagtatayo ng gusali ng terminal ng pasahero, pag-install ng mga LED lights, dredging ng pasukan channel, at pagsasaayos ng mga gusali ng daungan bukod sa iba pa.

“Pursuant to the “Build Better More” directive of the current administration, in PPA we make sure to cut the logistics cost by ensuring that our operations are more efficient. Towards this end, digitalization plays a huge role in providing quality and real-time services the public,” sabi ni Santiago.

Samantala, nakatakdang matapos ang mga bagong seaport project sa unang taon ni Pangulong Ferdinand “Bong-bong” Marcos Jr., kabilang ang 17 proyekto sa Luzon, 4 na proyekto sa Visayas, at 9 sa Mindanao.