Calendar
PPA sinimulan pagrepaso para maibaba shipping fee, travel cost
NAGSIMULA na ang Philippine Ports Authority (PPA) sa pagrepaso ng operasyon nito upang malaman kung papaano maibababa ang shipping fee at travel cost sa mga barko.
Ayon kay PPA Officer in Charge-General Manager Manuel A. Boholano ang kanyang unang direktiba at tugunan ang utos ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista na mapababa ang singil sa mga barko.
“Our first order of business is to comply with the directive of the DOTr to lower travel and shipping costs,” sabi ni Boholano.
Kabilang sa pinag-aaralan na ibaba ay ang statutory at regulatory cost na ipinapataw ng PPA gayundin ang mga gastos sa mga pantalan.
Makikipag-ugnayan rin umano ang PPA sa iba pang ahensya ng gobyerno, mga shipping line operator, at iba pang may kaugnayan sa pantalan kaugnay ng pagbababa sa singil.
Minamadali rin umano ng PPA ang digitalization ng mga proseso upang mas mapabilis ang galaw ng mga kargamento at pagbiyahe ng mga barko.