Magsino

Presidential pardon kay Mary Jane Veloso hiniling

Mar Rodriguez Dec 18, 2024
64 Views

Magsino1BAGAMA’T nakatakda na ngayong linggo ang pagbabalik sa Pilipinas ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Mary Jane Veloso matapos ang mahabang panahong pagkakakulong nito sa Indonesia.

Gayunman, inihain ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang House Resolution No. 2139 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso upang hikayatin o paki-usapan si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na mabigyan nito ng “presidential pardon” si Veloso na nahatulan ng kamatayan noong 2010 dahil sa kasong drug trafficking.

Ayon kay Magsino, ang pagbabalik bansa ni Veloso ay maituturing na isang napakahabang proseso para makamit ang inaasam na tagumpay hindi lamang para kay Mary Jane kundi para narin sa kaniyang pamilya na isang hakbang patungo sa tuluyang pagkakamit nito ng hustisya.

Subalit binigyang diin ni Magsino na ang hustisyang inaasam para kay Mary Jane Veloso ay sa pamamagitan ng tuluyang pagkaka-absuwelto nito sa kasong isinampa laban sa kaniya na batid naman ng lahat aniya na siya ay naging biktima lamang.

“This long-overdue victory for Maru Jane Veloso ans her family. Her return marks an important step toward justice, but we hope coming home would mean being back in the embrace of her family and not just a transfer from one prison to another,” wika ng kongresista.

Dahil dito, ipinaliwanag ng OFW Party List Lady solon na marahil ay kinakailangan ng intervention ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. sa kaso ni Veloso. Sapagkat ang kaso nito ay patungkol sa patuloy na exploitation at iba pang mga pang-aabuso na kinakaharap ng napakaraming OFWs sa ibang bansa na nagiging biktima ng injustice.

Pagdidiin ni Magsino na ang storya ni Veloso ay isang paalala at indikasyon nang napakalaking peligro na kinakaharap ng napakaraming OFWs para lamang mabigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang kanilang pamilya dito sa Pilipinas.

“Mary Jane’s story is a stark reminder of the dangers our OFWs face in their persuit of a better life. By seeking a pardon, President Marcos, Jr. can help restore her dignity amd show the world that the Philippines stands firmly in protecting its citizens abroad,” sabi pa ni Magsino.