Gas

Presyo ng produkto ng petrolyo inaasahan sa susunod na linggo

Edd Reyes Oct 17, 2025
259 Views

MAY inaasahang pagtatapyas ng produkto ng petrolyo sa susunod na linggo bunga ng pagtaas ng produksiyon ng langis ng Organization of the Petroleum Exporting Countries at mga kaalyado (OPEC+), partikular ang Estados Unidos at Russia.

Sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) tinatayang matatapyasan ng hanggang P1.10 kada litro ang diesel, P0.65 sentimos kada litro ang kerosina, habang katiting na P0.30 sentimos ang gasolina.

Sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na nakatulong din ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo ang pagbaba ng pangangailangan ng langis sa pandaigdigang merkado, pati na rin ang ikinasang peace talk ng Estados Unidos sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Kadalasang nag-aanunsiyo ng panibagong paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis tuwing araw ng Lunes na ipatutupad kinabukasan, araw ng Martes.