JC Abalos

Priority sa mga panukalang batas na tutugon sa cancer itinutulak

Mar Rodriguez Sep 21, 2023
215 Views

HINIHIKAYAT ni 4Ps Party List Congressman JC Abalos ang liderato ng Kamara de Representantes na bigyan ng priority at konsiderasyon ang mga panukalang batas na tutugon at magbibigay ng solusyon sa sakit na cancer kabilang na dito ang inakda niyang House Bill No. 2734.

Sinabi ni Abalos na layunin ng kaniyang House Bill No. 2734 na maitatag ang National Cancer Center of the Philippines. Kung saan, naniniwala ang mambabatas an malaki ang maitutulong ng panukala upang magkaroon ng “accessible” at affordable cancer treatment para sa mga mahihirap na pasyente.

Ang pahayag ni Abalos ay kaugnay sa kaniyang naging privilege speech sa Plenaryo ng Kamara de Representantes kamakailan. Patungkol sa Republic Act No. 10786 na nagde-deklara sa ika-apat na linggo ng September taon-taon bilang “National Thyroid Cancer Awareness Week”.

Sa kaniyang privilege speech, binigyang diin ni Abalos ang kahalagahan ng pagpapa-igting ng cancer awareness partikular na sa apeto ng “thyroid cancer” para maaga pa lamang ay maagapan na o kaya ay makaiwas na ang mamamayan o general public sa pagkakaroon ng ganitong karamdaman.

Ipinahayag ni Abalos na ang sakit na cancer ay patuloy na nagdudulot ng matinding kalbaryo para sa mga Pilipinong may ganitong karamdaman. Sapagkat halos taon-taon ay sampung milyong buhay ang nawawala hindi lamang dito sa Pilipinas bagkos maging sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Ipinabatid pa ng kongresista na ang cancer ang nangungunang sakit at sanhi ng kamatayan ng isang tao. Hindi lamang dito sa Pilipinas kundi pati narin sa iba’t-ibang panig ng daigdig.

Kung saan, sinabi pa ni Abalos na makikita din sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mula noong 20022. Pumapangatlo ang sakit na cancer bilang cause of death ng isang mula January hanggang May ng nasabing taon. Habang ang “thyroid cancer” ang tinatawag na common form of cancer.