Calendar

PRO-3 cops full alert sa Araw ng Kagitingan
CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga—Bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan sa Abril 9, nakikiisa ang Police Regional Office 3 (PRO3) sa pagbibigay-pugay sa katapangan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na lumabas sa Bataan at Corregidor noong World War II.
Ang highlight ng paggunita ang magaganap sa Dambana ng Kagitingan sa Mt. Samat, Pilar, Bataan na pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama ang mga opisyal, veteran survivors at kanilang mga pamilya.
Upang matiyak ang ligtas at maayos na pagsasagawa ng kaganapan, maglalagay ang PRO-3 ng mga pulis sa lugar.
Ang mga pulis itatalaga sa loob at paligid ng Mt. Samat upang ma-secure ang mga bisita, ayusin ang daloy ng trapiko at tumugon sa anumang emergency kasama ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), local government units at iba pang kinauukulang ahensya.
“Ang Araw ng Kagitingan higit pa sa isang paggunita, ito’y isang makapangyarihang paalala ng katapangan ng mga bayani,” ayon kay ni PRO-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo.
Tiniyak ni Fajardo sa publiko na nananatiling ligtas ang rehiyon, dahil naka full alert ang lahat ng police units sa Central Luzon hanggang sa pagtatapos ng selebrasyon.
Hinihikayat ng PRO-3 ang bawat Pilipino na pagnilayan ang kahulugan ng tunay na kabayanihan.