Fajardo

PRO-3 cops rumatsada; 2,310 kriminal, P77.5M na droga hinalughog

Steve A. Gosuico Apr 3, 2025
48 Views

CABANATUAN CITY–Nasa P77.5 milyong halaga ng iligal na droga mula sa 2,310 na suspek sa 1,494 anti-illegal drug operations sa Central Luzon mula Enero 10 hanggang Marso 31, ayon kay Police Regional Office (PRO0-3 director Brig. Gen. Jean SFajardo.

Sinabi ni Fajardo na ang mga nasamsam na droga at naarestong kriminal pagtupad sa pangako ng kanyang mga tauhan na pinoprotektahan ang mga tao kontra sa ilegal na droga.

Binubuo ng 11,110.98 na gramo ng shabu, 14,846.91 na gramo ng marijuana at 151.59 na gramo ng kush, na tinatayang kabuuang halaga na P77,546,600.31, ang nasamsam sa nasabing panahon.

“Ang aming pinaigting na pagsisikap nagbunga ng mga makabuluhang resultang ito at nananatili kaming nakatuon sa pagtiyak ng isang mas ligtas, walang droga na komunidad para sa lahat,” sabi ni Fajardo.

Habang nagpapatuloy ang paglaban sa iligal na droga, nananatiling mahalaga ang papel ng publiko, diin pa ni Fajardo.