Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Parak

PRO-3 magpapakalat ng 1K parak sa Mahal na Araw

Bernard Galang Apr 14, 2025
16 Views

CAMP OLIVAS, City of San Fernando, Pampanga–Nagtalaga ang Police Regional Office (PRO)-3 ng mahigit 1,000 pulis sa buong Central Luzon para matiyak ang kaligtasan ng publiko mula Abril 13 hanggang 20, ayon kay PRO-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo.

“Taon-taon, napapansin natin ang pagdagsa ng mga manlalakbay sa mga terminal ng transportasyon at pagdagsa ng mga peregrino at deboto sa mga simbahan at mga lugar ng pilgrimage, lalo na sa Huwebes Santo at Biyernes Santo,” ani Fajardo.

Binigyang-diin ni Fajardo ang mahalagang papel ng pagtutulungan ng komunidad sa pagkamit ng ligtas at makabuluhang pagdiriwang ng Semana Santa.

Ang mga force multiplier at boluntaryong grupo, kabilang ang mga Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) at mga lokal na grupo ng komunikasyon sa radyo, nakikipagtulungan sa PNP upang palakasin ang kaligtasan ng publiko at matiyak ang agarang pagtugon sa emergency.

Para palakasin ang police visibility at mapigilan ang kriminalidad, ang mga foot at mobile patrol pinaigting habang ang mga Police Assistance Desk and Centers (PADs/Cs) itinatag sa mga pangunahing lokasyon.

Ang mga road safety marshal naka-deploy din sa mga pangunahing terminal ng transportasyon kabilang ang mga istasyon ng bus, paliparan at mga daungan pati na rin sa mga lugar na libangan, highway at iba pang lugar na may mataas na trapiko.

Bago pa man ang inaasahang Holy Week peak, ang mga tauhan ng PRO3 naka-deploy na noon pang Linggo ng Palaspas upang matiyak ang mga simbahan at kapilya sa buong rehiyon.