Banac

PRO 4A admin cases bumaba; Banac pumuri, nagbunyi

124 Views

Banac1Banac2

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City–Bumaba ang mga administrative cases sa Police Regional Office 4A (PRO 4A) kaya napuri ni Police Lieutenant General Bernard Banac, ang Deputy Chief, PNP for Administration (TDCA), ang mga pulis.

Iniugnay ni Banac ang magandang balitang ito sa epektibong pagpapatupad ng Squad Weekly Interactive Meeting (SWIM) sa nasabing kampo.

Malaki ang naitutulong ng programa sa pagpapatibay ng komunikasyon, disiplina, at etikal na pag-uugali ng bawat pulis.

“Mahalaga ang maagang pagtugon sa mga hinaing at pagtataguyod ng pananagutan,” pahayag ni PLTGEN Banac.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagbuo ng isang kultura kung saan malayang naibabahagi ng mga tauhan ang kanilang mga problema at isyu sa loob ng organisasyon.

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa Focused Agenda ng PNP at sumusuporta sa B.E.S.T. Policing Framework ni PRO 4A director PBGen. Dominic Baccay.