Calendar

PRO-4A naglunsad ng Lakas Tulungan Patrol
KAMPO BGEN VICENTE LIM–Inilunsad sa buong Region 4A ang Lakas Tulungan Patrol Support System kasabay ng pagpapatupad ng Oplan Firewall, isang estratehiya na tugon sa kahilingan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang police visibility lalo na sa grassroots level.
Ang Lakas Tulungan Patrol Support System isang multi-sectoral approach na pinangungunahan ng buong pwersa ng Police Regional Office (PRO)-4A na pinakikilos ang mga pulis na may trabahong administratibo upang tiyakin ang mas malawak na coverage ng seguridad sa buong rehiyon.
Sa ilalim ng programang ito, inilalabas sa field ang karamihan ng mga pulis upang magsagawa ng beat patrols, alinsunod sa prinsipyong “all hands on deck.”
Kasama sa programang ito ang mga Barangay Peace Action Teams (BPATs), barangay tanod at community volunteers bilang katuwang sa pagpapatrolya at crime prevention, ayon kay PRO-4A Director P/BGen. Paul Kenneth T. Lucas
Pinakikilos din ang mobile forces upang magamit hindi lang sa rapid deployment kundi sa proactive visibility operations sa mga high-risk at far-flung areas.