Balikang’ KathNiel pinagpipistahan sa socmed
Feb 24, 2025
BI suportado kampanya vs POGOs
Feb 23, 2025
Calendar

Nation
Produktong petrolyo taas presyo
Edd Reyes
Nov 11, 2024
281
Views
SISIRIT ng P2.10 kada litro ang diesel, P1.50 kada litro ang gasolina at P1.20 kada litro ang kerosene mula alas-6:01 ng umaga sa Martes, Nobyembre 12, ayon sa mga dambuhalang oil firms.
Sa magkakahiwalay na abiso ng Petron Corporation, Pilipinas Shell at Chevron Philippines, ganito kalaki ang itataas ng kanilang produktong petrolyo.
Ganito rin ang price increase ng PTT Philippines, Total Philippines, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, Unioil Philippines at Jetti Oil Philippines.
Gaya ng dati, alas-4:01 ng hapon ang simula ng pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo ng Clean Fuel.