Protection para sa mga delivery riders isinulong

Mar Rodriguez Dec 14, 2022
313 Views

MULING isinusulong ng 1-RIDER Party List Group sa Kamara de Representantes ang inihain nilang panukalang batas na naglalayong mapangalagaan ang interes at kapakanan ng mga “delivery riders” katulad ng Grab, Lalamove, Food Panda, Shoppee at iba pa.

Bagama’t inaprubahan na noong nakaraang 18th Congress ang panukalang batas na isinulong ni 1-RIDER Party List Cong. Ramon Rodrigo “Rodge” L. Gutierrez. Muling inihain ng mambabatas ngayong 19th Congress ang kaniyang panukala sa ilalim ng House Bill No. 3412.

Nakapaloob sa HB No. 3412 ni Gutierrez na mapasama ang mga tinatawag na “delivery riders” sa mga kailangang maging legal at mai-regulate bilang proteksiyon narin sa mga motorcycle drivers na ginagawang hanap-buhay ang nauuso ngayong “delivery service”.

Ipinaliwanag ni Gutierrez na kabilang sa mga proteksiyong kinakailangan ng mga “motorcycle delivery service” ay ang pagkakaroon nito ng prangkisa. Bagama’t nagpapatuloy naman ang operasyon nito. Subalit kailangan parin ng isang batas para maging legal ang kanilang hanap-buhay.

Naniniwala ang kongresista na sa pamamagitan ng House Bill No. 3412, mailalagay sa wastong perspektibo at kalagayan ang motorcycle delivery service sapagkat nakapaloob sa mga altintuntunin o batas upang hindi lumabas na “colorum” ang operasyon nito.

Sinabi ni Gutierrez na sa kasalukuyan, hindi aniya pinahihintulutan ang mga motorsiklo na magsilbing delivery service o carriers. Dahil tanging ang mga sasakyan lamang na may apat na gulong ang pinapayagang mag-deliver para magdeliver ng mga gamit.

“This measures seeks to allow motorcycles to function as common carriers. The status quo currently prohibits the use of such vehicles for this purpose, limiting common carriers to wheeled vehicles only,” sabi ni Gutierrez.