MMDA

Provincial buses pinayagang dumaan sa EDSA

309 Views

PANSAMANTALANG pinayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga provincial bus na dumaan sa EDSA bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero.

“This is to allow the provincial buses to accommodate the expected influx of passengers going to the provinces for the holiday season and ensure the convenience and comfort of the commuters,” sabi ng pahayag na inilabas ng MMDA.

Ayon sa MMDA ang mga provincial bus ay papayagang dumaan sa EDSA hanggang Enero 2.

Dahil dito makakapagbaba ng mga pasahero ang mga bus na galing sa hilagang Luzon sa kani-kanilang terminal sa Cubao, Quezon City.

Ang mga galing naman ng South Luzon ay papayagang magbaba ng pasahero sa kanilang mga terminal sa Pasay City.