Madrona2

Proyektong 24/7 courts ng DOT suportado

Mar Rodriguez Aug 24, 2024
78 Views

๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—”๐——๐—ข ๐—ป๐—ด c๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ผ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—ผ๐—ป ๐—ง๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—บ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐—ฅ๐—ผ๐—บ๐—ฏ๐—น๐—ผ๐—ป ๐—Ÿ๐—ผ๐—ป๐—ฒ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฟ๐—ผ ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€ “๐—•๐˜‚๐—ฑ๐—ผ๐˜†” ๐—™. ๐— ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜†๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ผ๐—ณ ๐—ง๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—บ (๐——๐—ข๐—ง) ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฐ/๐Ÿณ ๐˜๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ’๐˜-๐—น๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ฟ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฟ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ผ๐—น๐—ฏ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ.

Ipinaliwanag ni Madrona na ang ibig sabihin ng pinaplanong proyekto ng Tourism Department na tinawag nitong “flagship project” ay ang paglilitis sa ilang indibiduwal na nang-agrabyado o nambiktima ng isang turista na ang pangunahing layunin ay mabigyan ng kaukulang proteksiyon ang mga turista, lokal man o dayuhan.

Ayon kay Madrona, inatasan na rin ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ang Philippine National Police (PNP) kasama ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Justice (DOJ) na makipagtulungan sa DOT upang litisin at usigin ang mga krimen na may kinalaman sa mga turista o ang mga naging biktima ng krimen sa Pilipinas.

Sabi ni Madrona na determinado ang DOT sa ilalim ng pamumuno ni Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco na maisakatuparan ang 24/7 tourist courts dahil sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na aniya na ang ahensiya sa DOJ upang mabilis na malutas ang kasong may sangkot na turista maging ito man ay isang dayuhan o lokal na turista.

Dagdag pa ng Committee on Tourism Chairperson na kasama sa pagpapaunlad ng Philippine tourism ay ang pagtiyak na ang lahat ng mga turistang bumibisita o nagtutungo sa bansa ay ligtas.

Kasunod ng pahayag ng kongresista na ginagawa ng DOT ang lahat ng makakaya nito upang maayos ang pamamalagi ng mga turista sa Pilipinas.

“Kasama sa tourist attraction ay ang pagtitiyak na ang mga turistang nagpupunta sa Pilipinas ay safe. Hindi naman lahat ay puro face value lang o ang makikita nila ay ang magandang tanawin sa ating bansa. Napakahalaga na ang mga turista ay ligtas habang sila ay naririto sa Pilipinas,” paliwanag ni Madrona.

Pinapurihan din ni Madrona ang DOT dahil sa pagsisikap nitong mapalakas ang puwersa ng pulisya sa mga estratehikong lokasyon sa bansa na mayroong mataas na bilang o konsentrasyon ng mga dayuhan at lokal na turista.