Magsino1

Psychosocial counselling para sa mga OFWs iminungkahi

Mar Rodriguez Jul 3, 2024
103 Views

𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝘀𝗮 𝘂𝗻𝘁𝗶-𝘂𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘀𝗼 𝗻𝗴 𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗵𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗽𝗿𝗼𝗯𝗹𝗲𝗺 𝘀𝗮 𝗵𝗮𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗢𝘃𝗲𝗿𝘀𝗲𝗮𝘀 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿𝘀 (𝗢𝗙𝗪𝘀), i𝗺𝗶𝗻𝘂𝗺𝘂𝗻𝗴𝗸𝗮𝗵𝗶 𝗻𝗶 𝗢𝗙𝗪 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝘀𝘀𝗮 “𝗗𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗿” 𝗣. 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗶𝗻𝗼 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗶𝗴𝘁𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 “𝗽𝘀𝘆𝗰𝗵𝗼𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗰𝗼𝘂𝗻𝘀𝗲𝗹𝗹𝗶𝗻𝗴” 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 m𝗶𝗴𝗿𝗮𝗻𝘁 𝘄𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿𝘀 𝗼 𝗢𝗙𝗪𝘀 𝗯𝗮𝗴𝗼 𝘀𝗶𝗹𝗮 𝗺𝗮𝗴𝘁𝗿𝗮𝗯𝗮𝗵𝗼 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗴𝗮𝘁.

Sinabi ni Magsino na hindi na siya nagsayang ng oras sapagkat agad nitong sinulatan si Department of Health (DOH) Sec. Ted Herbosa upang ilatag ang mga espesipikong programa upang matugunan ang tinatawag na “mental health needs” ng mga OFWs habang sila’y nagta-trabaho sa ibang bansa.

Nais din ni Magsino na hindi lamang ang mga OFWs ang sumailalim sa counselling kundi pati narin ang kanilang pamilya.

Ayon kay Magsino, sa ginawa nitong pagbisita kamakailan sa Taiwan at Singapore, napag-alaman niya ang kinakaharap na problema ng mga OFWs.

“The OFWs themselves as well as their families should be given psychosocial counselling both parties are vulnerable to mental stressor due to isolation, family problems, economic pressures and inability to adapt to their new environment,” sabi ni Magsino.

Sabi din ng kongresista na hindi na kailangan pang gumastos ng mga OFWs at kanilang pamilya para sa pagpapasailalim nila sa counselling sapagkat mayroon naman programa ang DOH para dito sa pamamagitan ng “Lusog Isip Program”.

“This program would not only help our OFWs in Taiwan and Singapore. But the millions of our OFWs in all part of the world where they can be found working,” dadgag pa ni Magsino.