MPD Personal na itinaas ni Manila Police District (MPD) Chief PBGen. Arnold Thomas Ibay ang kamay ng bagong presidente ng MPD Press Corps (MPDPC) na si Jon-Jon Reyes matapos magwagi sa halalan. Kasama nila ang iba pang mga miyembro at opisyal ng MPDPC. Kuha ni JON-JON C. REYES

PT photojournalist bagong MPD Press Corps prexy

Jon-jon Reyes Oct 27, 2024
66 Views

ITINALAGA bilang bagong presidente ng Manila Police District Press Corps (MPDPC) si Jon-Jon C. Reyes, ang photojournalist ng People’s Journal Tonight at Taliba Online, matapos ang eleksyon noong Oktubre 25 sa MPD headquarters sa U. N. Avenue, Ermita, Manila.

Kasama ni Reyes ang mga bagong hinalal na opisyal na sina Edd Gumban ng Philippine Star bilang bise presidente, Mike Alquinto ng Manila Times bilang secretary, Marvin Empanado ng People’s Journal Tonight bilang treasurer, Jocelyn Tabangcura Domenden bilang auditor at si Jonas Sulit bilang chairman of the board.

Ang mga bagong direktor ay sina Emman Mortega, DZXL; Norman Araga, Manila Standard; Richard Reyes, Philippine Daily Inquirer; Yancy Lim, Philippine News Agency; Michael Rogas, Radyo Pilipinas; Felix Laban, DZME; Itoh Son, Saksi/Police Files; Rene Dilan, Manila Times; Olan Bola, DZBB-GMA 7; at Ryan Baldemor, Philippine Star.

Tumayo naman bilang Comelec chairman si J. R. Reyes, isa sa mga direktor ng National Press Club, at nagsilbing observer ang mga kapulisan ng MPD Public Information Office, sa pamumuno ni Police Major Philipp Ines.

Kasabay nito ay personal na nag-congratulate si MPD Director, Police Brig. General Arnold Thomas Ibay sa mga nagsipagwaging mamamahayag sa naganap na eleksyon.

Aniya ay maaasahan ang patuloy niyang suporta sa samahan ng mga mamamahayag at ang pagiging magkaibigan ng kapulisan at media.