Calendar
Public transport system patuloy na pagagandahin—PBBM
PATULOY umano ang gagawing pagpapaganda ng gobyerno sa public transportation system ng bansa, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang mga malalaking proyekto na naglalayong pagandahin ang sektor ng transportasyon sa bansa.
“We will continue to invest and improve on our transportation systems as well as pursue more projects in the years to come, so that Filipinos can gain greater access to places of work, commerce, recreation and other vital areas,” ani Pangulong Marcos.
Pinangunahan ng Pangulo ang paglulungsad ng tunnel boring machine (TBM) sa Valenzuela City. Ang TBM ang siyang huhukay sa kauna-unahang subway ng bansa.
“Having an effective and efficient transportation system will have multiplier effects on employment, the economy, and our society; it will also bring comfort, convenience, and an easier life for all,” sabi pa ng Pangulo.
Nagpasalamat si Marcos sa gobyerno ng Japan at Japan International Cooperation Agency (JICA) na siyang magpapa-utang ng pondo para sa itatayong subway.
Nagpahayag din ng pagtitiwala si Marcos sa Japan na tutulong umano sa paglinang ng railway infrastructure ng bansa.
“I hope that both you and the DOTr will not waver on your commitments to finish the contract package by the end of 2027 to ensure that Filipinos will get to enjoy the project at the soonest possible time,” dagdag pa ng Pangulo.
Ang Metro Manila subway ay mayroong 17 istasyon na mag-uugnay sa Valenzuela City at Pasay City.