Yap

Publicus Asia: 80% ng pumili kina BBM, Sara hindi na magpapalit ng iboboto

297 Views

HINDI na magpapalit ng iboboto ang 80 porsyento ng mga sumusuporta kina presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential frontrunner Sara Duterte.

Ito ay batay sa isinagawang survey ng Publicus Asia kung saan kapwa muling nanguna sina Marcos at Duterte.

Ayon kay Dr. David Yap Jr., chief data scientist ng Publicus Asia mahirap ng talunin sina Marcos na nakakuha ng 57 porsyentong voter preference, at Duterte na may 59 porsyentong voter preference batay sa survey na isinagawa mula Abril 19 hanggang 21.

Kapansin-pansin umano ang pagtaas ng mga sumusuporta kina Marcos at Duterte na nagsabi na hindi na sila magpapalit ng iboboto mula sa 70 porsyento ay umakyat ito sa 80 porsyento.

“I think it is something that all of us voters can attest to that as election date nears we firm up our support, we firm up our preferences and we become more and more committed to the choices that we have made thus far,” paliwanag ni Yap.