Laguna

PULIS CALABARZON, ISINAGAWA MENTAL WELLNESS SA OPLAN BANTAY KAISIPAN

12 Views

Laguna1Laguna2Laguna3Laguna4

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna — Upang matiyak na nasa maayos na kundisyon hindi lamang ang katawan kundi maging ang kaisipan ng mga alagad ng batas, inilunsad ng Police Regional Office 4A (PRO 4A) ang programang “Oplan Bantay Kaisipan” na nakatuon sa mental at emosyonal na kalusugan ng mga tauhan.

Sa pangunguna ng Regional Medical and Dental Unit (RMDU), sumalang sa malalim na pagsusuri at konsultasyon ang mga pulis upang malaman ang kanilang kasalukuyang estado.

Layunin nitong mabigyan ng sapat na suporta at gabay ang bawat pulis upang matiyak na handa sila sa kanilang mga tungkulin.

Ayon sa PRO 4A, bahagi ito ng kanilang estratehiya na tinatawag na B.E.S.T. Policing na naglalayong gawing mas nakikita, mabilis makipag-ugnayan, nagtutulungan, at pinagkakatiwalaan ang kapulisan sa rehiyon.

Giit ng pamunuan, ang pag-aalaga sa kapakanan ng mga pulis ang susi upang mas mapatatag ang serbisyo at masigurong ligtas ang publiko.