Shabu

‘Tulak’ nagbenta ng shabu sa undercover parak, dedo sa engkuentro

Steve A. Gosuico Sep 10, 2026
20 Views

PANTABANGAN, Nueva Ecija–Patay ang lalaking tulak umano ng shabu matapos humantong sa madugong engkwentro ang bentahan ng shabu noong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat kay Nueva Ecija police chief Col. Ritchie Claravall, kinilala ang nasawing suspek na si alyas Jun, 50.

Naganap ang engkwentro sa Purok 6, Brgy. Cambitala dakong 9:50 ng gabi.

Nakatunog umano ang suspect ng isinasagawa ang transaksyon sa undercover operatives at agad bumunot ng cal .45 at pinaputukan ang isang operatiba ngunit isa lang ang tumama sa dibdib nito.

Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang suspek at namatay.

Narekober ang tatlong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400, cal .45 na baril, buy-bust money at tricycle na gamit ng suspek.

Pinuri ni Claravall ang Pantabangan police dahil sa pagkilos laban sa suspek.