AGAP pinasalamatan si Ivana Alawi sa suporta
Mar 31, 2025
Bayaw hinataw ng bat sa ulo, naghataw timbog
Mar 31, 2025
Calendar

Provincial
Pulis Laguna pinuri sa pagkadakip ng kidnap suspek
Gil Aman
Nov 5, 2024
131
Views
CAMP BGen Paciano Rizal — Arestado dahil sa kidnapping ang isang lalaki sa San Pedro City noong Lunes.
Nahuli ang suspek na si alyas Bulok sa pamumuno ni P/Lt. Col. Jaime Pederio, hepe ng San Pedro police, bandang alas-6:00 ng hapon sa Brgy. Nueva.
Inaresto ang suspek base sa warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 170-A ng San Pedro City, Laguna na nilagdaan ni Judge Beryl Roy Vergara.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pedro police ang suspek.
“Ang matagumpay na pagkaaresto sa akusadong ito bunga ng sipag, tiyaga at determinasyon ng kapulisan ng Laguna at sa patuloy na pakikipagtulungan ng mamamayan ng lalawigan ng Laguna,” ayon kay Laguna police acting Provincial Director P/Col. Gauvin Mel Unos.
Army member pumunta sa resort nalunod
Mar 31, 2025
LTO sa motorista: Cool lang sa pagmamaneho
Mar 31, 2025
3 kaso isasampa sa road rage suspek
Mar 31, 2025
Vilma, Lucky nag-rally sa Batangas City
Mar 30, 2025
2 todas sa eroplanong nag-crash
Mar 30, 2025
P3.7M na shabu nasamsam sa bebot na suspek na tulak
Mar 30, 2025