Calamity

Putol kuryente sa mga nasa state of calamity dahil sa bagyong Kristine tinigil muna

Chona Yu Oct 31, 2024
75 Views

TUMALIMA na ang Energy Regulatory Commission sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na suspendihin na muna ang disconnection sa mga customer ng kuryente na kumukunsumo ng 200 kilowatt hour pababa kada buwan sa mga lugar na nasa state of calamity dahil sa bagyong Kristine.

Sa direktiba ng ERC sa lahat ng power distribution utilities na suspendihin ang disconnection sa residential at non-residential consumers na may buwanang konsumong hindi lalagpas sa 200 kilowatt hour na hindi makababayad sa bill para sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre 2024.

Iniutos din ng ERC ang pagpapatupad ng flexible payment options upang maibsan ang pasanin ng mga apektadong consumer sa harap ng kanilang pagbangon mula sa kalamidad.

Papayagan ng ERC ang ang staggered o unti-unting pagbabayad sa loob ng anim na buwan.

Maaari ring mag-alok ang power distributors ng alternative payment terms, para naman sa mga kumo-konsumo ng higit sa 200 kwh kada buwan.

Samantala, inatasan din ang lahat ng generators, power sector assets and liabilities management corporation, National Power Corporation, National Transmission Corporation, National Grid Corporation of the Philippines, Independent Power Producers, Independent Power Producer Administrators, at market operator na magpatupad din ng payment scheme sa mga apektadong distribution utilities.

Matatandaang inatasan ni Pangulong Marcos ang ERC nap ag-aralan na magpatupad ng moratorium sa paniningil sa bill ng kuryente sa mga nasalanta ng bagyo.