LTFRB

PUV pwede na humingi ng fare matrix

Jun I Legaspi Sep 22, 2022
321 Views

MAAARI na umanong mag-request ng fare matrix o fare guide ang mga public utility vehicles (PUV) para sa isasagawang pagtataas ng pasahe sa susunod na buwan.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kailangan ang fare matrix bago makapaningil ng mas mataas na pamasahe ang mga drayber at konduktor.

Ang fare matrix ay dapat na ilagay sa bahagi ng sasakyan kung saan ito makikita ng mga pasahero.

Upang makakuha ng fare matrix, kailangang magsumite ang operator ng PUV ng Land Transportation Office (LTO) OR/CR, franchise verification certificate, kopya ng Provisional Authority (para sa mga hindi pa nabibigyan ng desisyon ukol sa kanilang Certificate of Public Convenience) at resibo ng pinagbayaran.

Bukas umano ang mga tanggapan ng LTFRB mula Lunes hanggang Sabado.