PVL

PVL application na-extend

143 Views

INANUNSYO ng Premier Volleyball League (PVL) ang extension ng deadline ng application para sa mga aspirants nf darating na rookie draft.
Ang bagong deadline ay nakatakda sa June 12.

Sinabi ni PVL Commissioner Sherwin Malonzo na ang desisyon na iurong ang deadline ng application ay bilang tugon sa madaming kahilingan ng mga applikante na magkaroon ng sapat na panahon na makakuha ng mga kinakailangang papeles, tulad ng PSA-issued birth certificate at letters of recommendation.

“Since this is the first-ever draft event for the PVL, many applicants have requested more time to compile their necessary documents,” pahayag ni Malonzo.

“We want to ensure that all aspiring players have the opportunity to participate in this historic event, and extending the deadline will help achieve that,” dugtong pa niya.

Ang lahat ng applikante ay maaring mag fill out ng online form na makikita sa http://pvl.ph/draft.

Ang mga supporting documents ay maaaring ipadala sa [email protected] or ihatid sa Sports Vision office sa FilOil EcoOil Centre, Col. Bonny Serrano Ave., San Juan, 1500 Metro Manila at hanapin si Rowie Joaquin

Ang draft combine ay nakatakda sa June 25-26, habang ang draft proper ay July 6.