QC cops inaresto 5 carnap suspek

263 Views

NATIKLO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) kamakailan ang limang miyembro ng carnapping syndicate.

Kinilala ang mga nahuling suspek na sina alyas Ronald, 35; Michael, 46; Prince Ryan, 31; Wilmor, 47, at Eric, 46.

Nadakip ang lima ng mga miyembro ng Novaliches Police Station 4 sa pamumuno ni P/Lt Col. Michael John Villanueva matapos makatanggap ng ulat na tinangay ang isang motorsiklo sa Mayon St., Amparo Subdivision, Brgy. Nagkaisang Nayon bandang alas-4:00 ng umaga noong Disyembre 9.

Nabawi mula sa mga suspek ang tatlong pinaniniwalaang nakaw na motorsiklo na iba’t-ibang modelo; maraming spare parts ng motorsiklo kabilang ang mga fairing, side mirror, crankcase, mags, front fender, pipe at isang lata ng pylox spray paint na pinaniniwalaang ginamit upang baguhin ang hitsura ng mga nakaw na motor.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa PD 1612 (anti-fencing) habang si Ronald ay may karagdagang kasong paglabag sa RA 10883 (carnapping).