Belmonte

QC may EWD para sa COVID-19

Mar Rodriguez Jun 2, 2022
294 Views

HANGAD ni Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte na hindi na muling lumaganap katulad ng dati ang COVID-19 virus na kumitil sa buhay ng maraming residente ng lungsod kaya nagkaroon ngayon ng “special gadget” ang lokal na pamahalaan upang agad na ‘ma-detect” ang panibagong pagdaluyong ng COVID-19.

Sinabi ni Belmonte na sa pamamagitan ng naimbentong “early warning device” na dinisensiyo ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU) agad na made-detect aniya ang posibleng surge ng COVID-19 sa lungsod.

Ipinaliwanag ng mayora na sa pamamagitan ng “early warning device” magkakaroon ng systematic monitoring ng mga bagong kaso ng COVID, pagsusuri ng nagaganap na trending ng COVID cases at rekomendasyon para masagkaan ang panibagong outbreak.

“As our doctors would say prevention is better than cure. At this point, there’s too much at stake to let all our efforts go to waste. We cannot afford to go back to zero,” sabi ni Belmonte.

Ipinaliwanag naman ni Dr. Rolly Cruz, hepe ng QCESU, na ang nasabing early warning device ay mayroong tatlong kulay tulad ng puti, dilaw at pula upang ma-klasipika ang statis ng infection sa QC.

Sinabi ni Cruz na kabilang dito ang apat na indicators kagaya ng Growth Rate (GR) sa pagitan ng kasalukuyang linggo (Week) at nakalipas na linggo, ang pitong araw o 7 day average Daily Attack Rate (ADAR) at reproduction number.