Patay Source: PCO file photo

QC senior HS student nakitang may tama ng baril sa ulo, DOA sa ospital

24 Views

NATAGPUANG duguan at may tama ng baril sa ulo ang isang senior high school student sa lungsod Quezon.

Idineklarang dead on arrival sa isang ospital sa Quezon City ang 18-anyos na biktima dahil sa isang tama ng bala sa ulo.

Ayon sa report nangyari ang insidente pasado ala sais ng umaga nitong Marso, 24, 2025, makailang beses umanong kumatok sa pintuan ng kuwarto ng biktima ang kaniyang ina upang gisingin ito ngunit hindi ito sumasagot.

Gamit ang duplicate key ay nabuksan ang kuwarto ng biktima at tumambad sa kanila ang duguang katawan nito.

Ayon sa pulisya ay nakita ang isang pistol malapit sa katawan ng biktima.

Huling nakitang buhay ang biktima bandang alas tres ng madaling araw ng nasabing petsa habang kumakain sa kusina ng kanilang tahanan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.