QCPD Source: QCPD-PIO

QCPD bumuo ng team na mag-iimbestiga sa pagsabog sa spa

13 Views

BINUO ng Quezon City Police District (QCPD) ang Special Investigation Team (SIT) para magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa pagsabog sa parking area ng Whitehouse Spa sa Scout Chuatoco, Brgy. Obrero, Quezon City noong Miyerkules.

Si P/Col. Roman Arugay, Deputy District Director for Operations (DDDO), ang magsisilbing SIT commander, habang si P/Lt. Col. Joel Villanueva, hepe ng District Directorial Staff (CDDS), ang assistant commander kasama ang 11 iba pang itinalagang miyembro.

Sa imbestigasyon ng Explosive Ordnance Division (EOD), isang safety lever at ilang piraso ng metallic fragment ng isang umano’y hand grenade (MK2) ang narekober mula sa pinangyarihan ng pagsabog.

Ayon kay P/Col. Randy Glenn Silvio, District Director for Administration (DDDA) at Officer-in-Charge, ang SIT naglalayong mapabilis ang imbestigasyon, matukoy ang motibo sa likod ng insidente at matukoy at mahuli ang mga suspek.

“The creation of this investigation team underscores our commitment to uncovering the truth and bringing the perpetrators to justice.

We urge anyone with relevant information to report it immediately to the nearest police station or call the QC Helpline 122 for the swift resolution of the incident,” sabi ni Silvio.