QCPD

QCPD nagbabala sa  pekeng NCRPO direk na nanghihingi ng pera sa messaging application

115 Views
NAGBABALA ang Quezon City Police District (QCPD) sa publiko na maging mapagmatyag laban sa mga indibidwal na gumagamit ng mga messaging application, partikular na ang Signal upang magpanggap bilang director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para makapag-solicit ng pera lalo’t nalalapit na ang kapaskuhan.
Sa inilabas na pahayag ng QCPD,  hindi nag-aatas o nagpapahintulot si Acting District Director PBGen. Christopher F. Olazo
 sa sinumang indibidwal na humingi ng pera, mga detalye ng bank account, impormasyon sa e-wallet, o iba pang tulong-pinansyal gamit ang kanyang pangalan.
“The public is reminded that PBGEN OLAZO does not authorize any individual to solicit or request money, bank account details, e-wallet information, or other financial assistance using his name,” batay sa pahayag.
Pinapayuhan  ang sinumang makatatanggap ng kahina-hinala o katulad na mensahe na huwag magpadala ng pera o magbigay ng personal, bank, o financial information sa nagpadala. Dapat na agad i-report ang account at beripikahin ang impormasyon sa pamamagitan ng mga opisyal na channel ng QCPD.
Hinihikayat din ang publiko na ibahagi ang paalalang ito sa mga kasamahan, kaibigan, at kapamilya upang makatulong na maiwasan ang pagiging biktima ng ganitong mga mapanlinlang na gawain.
Nananawagan ang QCPD sa lahat na manatiling mapagmatyag at mag-ingat sa pagtanggap ng mga hindi inaasahang mensahe o mga kahilingan para sa pera.