MPBL1 Quezon City-Pasay battle sa MPBL.

Quezon City naka-alpas sa Pasay

Robert Andaya Jun 19, 2024
43 Views

PINAYUKO ng Quezon City ang Pasay Voyagers, 70-60, sa isang highly-physical na laro sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.

Nagpakawala si Rhinwill Yabing ng 15 points, kabilang na ang ilang clutch baskets sa huling bahagi ng laro, para pamunuan ang Quezon City sa 6-7 record sa kumpetisyon, na itinuturing din na “Liga ng Bawat Pilipino.”

Nag-ambag sina Jonathan Gesalem ng 11 points at two steals, at Chino Mosqueda ng 10 points at four rebounds para sa Quezon City, na lumamang ng 33-18 sa kalagitnaan ng second quarter.

Ang Pasay, na bumaba sa 7-6 kartada, ay nakakuha ng 14 points mula kay Laurenz Victoria, 12 points at nine rebounds mula Warren Bonifacio, 12 points, six rebounds, three assists at two steals mula kay Patrick Sleat, at 10 points at six rebounds mula kay AJ Coronel.

The scores:

Quezon City (70) — Yambing 15, Gesalem 11, Mosqueda 10, Desoyo 8, Bienes 8, Ballesteros 7, Roman 5, Cosari 3, Tibayan 3, M. Are 0, Nimes 0, Lo 0, R.Are 0, Cauilan 0.
Pasay (60) — Victoria 14, Bonifacio 12, Sleat 12, Coronel 10, Inigo 6, Salenga 2, Reverente 2, Tabi 2, Sobrevega 0, Sienes 0, Aguirre 0, Chan 0, Ramirez 0, Hilario 0, Lustina 0.
Quarterscores: 23-11, 40-34, 52-49, 70-60.