Quezon City Quezon City-Iloilo match sa MPBL.

Quezon City nakaungos sa Iloilo

Robert Andaya May 27, 2024
122 Views

NALUSUTAN ng Quezon City ang Iloilo, 74-71, sa dikitang sagupaan sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season elimination round sa Quezon Convention Center sa Lucena City.

Umakyat ang Quezon City sa 4-5, pareho ng win-loss record ngayon ng Abra sa Northern Conference.

Pinangunahan ang Quezon City ni Paeng Are, na may 14 points at four rebounds; Kim Kaizen Lo, na may 13 points, five rebounds, three assists at two steals; at Rhinwill Yambing, na may 11 points at three rebounds.

Ang Ilolo, na nalugmok pa sa 2-7 record, ay nakakuha ng 24 points, six assists, four rebounds at three steals mula kay CJ Cansino at 10 points, four assists, three rebounds at three blocks mula kay Shaquille Imperial.

Magpapatuloy ang aksyon sa gagawing pagdayo ng MPBL, ang “Liga ng Bawat Pilipino”, sa Bren Z. Guiao Convention Center sa Pampanga.

Magtutuos ang South Cotabato at Bicol sa unang laro simula 4 p.m., San Juan at Negros sa 6 p.m. at Parañaque at host Pampanga sa 8 p.m.

The scores:

Quezon City (74) — R. Are 14, Lo 13, Yambing 11, Roman 9, Ballesteros 8, Tibayan 8, M.Are 3, Gesalem 3, Desoyo 2, Sawat 2, Cosari 1, Josef 0, Tauto-An 0, Cauilan 0.

Iloilo (71) –Casino 24, Imperial 10, Berjay 8, Nonoy 8, Gomez 7, Rangel 5, Doliguez 3, Credo 2, Capacio 2, Diaz 2, Kapunan 0, Javelosa 0, Catapusan 0, De La Rosa 0.

Quarterscores: 24-17, 45-42, 59-62, 74-71.